
kakaibang lungkot aking nadama
Nang mabatid, ang Ka Erdy ay wala na
Di makapaniwala, di makapagsalita
luha'y dumaloy sa aking mga mata.
Hindi maiwasang aking magunita
Makailang beses ko din syang nakita
Makamayan lamang ay maligaya na
Nang mabatid, ang Ka Erdy ay wala na
Di makapaniwala, di makapagsalita
luha'y dumaloy sa aking mga mata.
Hindi maiwasang aking magunita
Makailang beses ko din syang nakita
Makamayan lamang ay maligaya na
Hindi malilimutang mga sandali.
Tunay na pagmamahal inialay sa Iglesia
Buong buhay nya ay ginugol sa kawan
Hangad ay maligtas lahat ng kapatid
Wala ni isa mang maiwan sa paglalakbay.
Hindi namin sasayangin inyong pagpapagal
Hindi bibiguin hangarin nyo ng sugo
Magpapakatatag, magtutumibay sa kahalalan
Upang kami'y magtamo ng dakilang kaligtasan.
Tunay na pagmamahal inialay sa Iglesia
Buong buhay nya ay ginugol sa kawan
Hangad ay maligtas lahat ng kapatid
Wala ni isa mang maiwan sa paglalakbay.
Hindi namin sasayangin inyong pagpapagal
Hindi bibiguin hangarin nyo ng sugo
Magpapakatatag, magtutumibay sa kahalalan
Upang kami'y magtamo ng dakilang kaligtasan.
0 comments:
Post a Comment
feel free to leave a comment!